Monday, September 21, 2015

Gandang Jalajala: Paraiso ng Rizal
http://static.panoramio.com/photos/large/48387363.jpg

Masasabi ngang Paraiso ng Rizal ang bayan ng Jalajala sa angking kalinisan ng paligid, sariwang hangin ang malalanghap habang binabagtas ko papasok sa paaralan kung saan ako magtuturo.


Tuwing umaga, napakagandang pagmasdan ang sikat ng araw sa na sumisikat sa gawing silangan ng Laguna.  Ang tuwid at maayos na kalsada ang syang magsasabing malayo sa siyudad at kamaynilaan.

Bilang na bilang lang ang mga sasakyang nagdaraan.  May oras pala ang mga ito sa kanilang byahe.

Minsan makaksalubong mo pa at haharang sayo ang mga kambing, baka, kalabaw at mga manok, waring bumabati sa kin ng magandang umaga...isang paalala na magpasalmat sa Diyos.